← Back to portfolio

Amaya

Published on

Mata ko’y nakadapo

Pagtingin sana’y di magtagpo

Huwag nang salubungin

Aking pagtitig nananabik sayo.

Sa pagsilip ng buwan

Saking isip ay dumuduyan

Sa pagtulak ng bibig

Damdamin ko’y sayo’y napapaibig

Nahuhulog

Nahuhulog

Nahuhulog sa’yo

Di mapigilan, di maiwasan

Nang ika’y masulyapan

Natakot, dahil ako’y

Nahulog

Nahulog

Nahulog na sa’yo.