← Back to portfolio

Counter-Hegemony (Reflection)

Published on

Hindi ko alam kung paano sisimulan,

ang isang tulang magpapatunay na ako’y may natutunan.

Kung ito’y ikukumpara sa ating kinabuhayan,

magisismula ito noong tayo’y nasa sinapupunan pa lamang.

Mga magulang nati’y sinanay tayo

simula noong bata pa hanggang sa buhok nati’y kung saan-saan nang tumubo.

Hindi manlang tayo nabigyan ng chansa

Na pumili kung saan tayo maniniwala.

Kaya’t nadala na natin hanggang sa paglaki,

na sambahin ang diyos na di naman natin pinli.

Mga Muslim daw ay wag nating gawing kaibiganin,

sa pagkat kapag ikaw ay hindi naniwala sa Koran, buhay mo’y kikitilin.

Bakit po ama?

Bakit po papa?

Saan nila nakuha ang sinabi?

Yun pala’y narinig sa balitang pinalabas sa TV.

Galit na galit tayo sa ating mga muslim na kapatid,

Ngunit ginawa lang nila iyon dahil ang pag-iisip nati’y makitid.

Tayo rin pala ang rason kung bakit nagkakaganito,

Lalo na ang napakamakapangyarihang medya na pinakikinggan ng tao.

Yan tuloy ang lumabas na totoo.

Kahit alam naman nating minanipula ang mga napapanood,

Hinahayaan parin natin ang sarili’y maanod.

Wala manlang tayong kamuang muang,

Na tayo’y kontrolado wala mang baril na nakatutok sa ating bewang.

Kaya ngayon sa kolehiyo’y pinipilit ang sarili ko,

Na mag-aral ng mabuti sumakit man ang ulo.

Dahil sa huli’y para sakin din naman ang mga matutunan kong ito.

Di naman daw importante ang teorya,

Dahil sa prodaksyon ay mas mas malaki ang kita.

Pero paano ka lilikha ng mga gawang makabuluhan?

Kung wala kang alam sa mga ganyan-ganyan.

Kaya pagbabasa’t pakikinig sa guro’y iyong simulan.

Nang may maitulong ka naman sa ating bansa,

Na patuloy paring nadarapa.

Sa pamamagitan ng paggawa ng bagay na mahal mo,

At pagsira sa kaisipang ang pagtatrabaho sa medya, ay di marangal na trabaho.

Litrato at Obra ni: Kat Hernandez