← Back to portfolio

Pag-alala

Published on

Humakbang ng pa atras

Lingunin ang dati

Paurungin, daloy ng oras

Para ‘di magwakas

pagpikit, init ng mga braso ang iisipin,

Liwanag ng ngiting kinakapitan sa dilim.

paggising babati bigat ng damdamin

dahil hindi ka na sakin

Kalsadang nilakaran sa paghatid

Saksi sa lahat ng pinagdaanan

tadhana’y di na satin sang-ayon

Biglang nawala

Tila multo sa alaala

Kahit manlang sa panaginip

'Di ka na bumista

Piliin mo naman ako

Wag nang umasa

Ako lang pala ‘to

Nasa huling pahina

Ng storya nating dalawa

Kaya ako’y namamaalam na

At tuluyang isasara.