← Back to portfolio

Paghimok

Published on

Oh aking nais

mahagip ng simoy ng tadhana

Paroon kung saan di lang hanggang tingin

O bulong sa hangin

Sa pagkabog ng dibdib

Nabingi na ng tuluyan

Parang ibong ipinilit sa dagat

Kahit anong piglas hindi makalaya

Chorus:

Pagkalma ng mga alon

Sasabay pagliwanag ng langit

Madadapa ngunit babangon

Hindi titigil sa pag-awit

Oh aking nais

maramdaman lambot ng alapaap

At matanggal mga kadenang nakagapos

Sa aking mga kamay

Parang ibong ipinilit sa dagat

Kahit anong piglas

Hindi makalaya