← Back to portfolio

Untitled (Spoken Poetry)

Published on

Noong ako’y nasa kamusmusan pa lamang, sabik na sabik akong lumabas ng aming tirahan at maranasan ang ganda ng mundo.

Napakasaya, napaka lawak, kay tatayog ng mga gusali, madaming puwedeng puntahan at bilhan ng laruan.

Ngayong malaki na ako, gustong gusto ko nang manatili sa bahay upang duon matuklasan ang mundo, ngunit hindi na kabigha-bighani.

Nakakalungod, napaka lawak, kay tatayog ng mga gusali, madaming nagkakalaruan ngunit hindi na ng mga bagay, utak naman. Mga kataas taasang nagpapatakbo ng bansa tayo’y nililinlang.

Ano kaya ang nag-iba?

Anong nangyari bakit nagbago.

Ah, alam ko na.

Ang mga mata ko pala.

Obra at Litrato ni - Kat Hernandez